Ang Hundred Islands National Park (Pangasinan: Kapulo-puloan o kaya Taytay-Bakes) ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap,Lungsod ng Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas.
Binubuo ito ng 124 pulo, ngunit 123 pulo lamang ang makikita tuwing tataas na paglaki ng tubig.
Nakakalat sa Golpo ng Lingayen ang mga pulo at sakop ang lawak na 1,844 ektarya (4,556.62 acres). Pinaniniwalaang dalawang milyong taong gulang na ang mga pulo.
Tatlong pulo lamang ang ipinaunlad para sa mga turista, ang mga pulo ng Gobernador, Quezon at Children.
Naglagay rin ng dagdag pang mga atraksyon ang pamahalaan ng siyudad ng Alaminos sa pulo ng Quezon at Gobernador tulad ng zip line noong 2014.




